Kinansela narin ang pasok sa Ombudsman dahil sa patuloy na tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Base sa Memorandum na pirmado ni Ombudsman Samuel Martires, pansamantala munang sarado ang lahat ng mga opisina sa kanilang tanggapan na tatagal hanggang Jan. 19, 2022.
Ayon kay martires, ang lahat ng mga empleyadong pupunta at magrereport sa opisina ay dapat walang nararamdaman na kahit na anong sintomas ng COVID-19.
Bukod pa diyan, kailangan din na magpakita ng negatibong RT-PCR o Antigen test results at hindi rin dapat na-exposed sa pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa loob ng nakalipas na sampung araw bago pumasok sa opisina.
Sakaling ibalik ang operasyon, ay magsisimula ang oras ng pasok ng mga empleyado alas-otso ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.
Sa ngayon, nasa ilalim ng paglilinis at disinfection ang bawat area sa opisina ng Ombudsman.—sa panulat ni Angelica Doctolero