Suspendido ang pasok sa tanggapan ng Ombudsman ngayong araw, Marso 12 hanggang bukas, Marso 13.
Batay sa abiso ng Office of the ombudsman, sarado ang lahat ng kanilang mga opisina sa Quezon City, Cebu City, Tacloban, Iloilo City, Davao City at Cagayan De Oro City.
Ito ay upang makapagsagawa sila ng disinfection o paglilinis sa mga work station at public spaces sa kanilang mga tanggapan para matiyak ang kalusugan ng lahat.
Magbabalik naman sa normal ang operasyon ng Office of The Ombudsman sa Lunes, Marso 16.