Wala na ring pasok ang mga empleyado ng senado ngayong araw, Oktubre 19.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, hindi na obligado ang mga empleyado ng senado na pumasok sa kanilang trabaho ngayong araw dahil sa bagyong Lando.
Una rito, sinuspinde na rin ang pasok sa mga pampublikong tanggapan at maging ang mga korte ngayong araw sa Regions 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region maliban na lamang sa mga ahensyang may kinalaman sa pagtugon sa kalamidad.
By Ralph Obina | Cely Bueno (Patrol 19)