Suspendido ang pasok sa eskwela at trabaho sa Venezuela.
Bunsod ito ng nararanasang malawakang blackout na pinakamalala sa kasaysayan ng naturang bansa.
Daan daang empleyado ang nagkalat sa kalye at napilitang maglakad matapos masuspinde ang operasyon ng kanilang subway service habang apektado rin ng blackout ang operasyon mga ospital, telephone services, internet, paliparan at iba pang mahahalagang public services.
Naranasan din ang pagkakabuhol buhol ng trapiko matapos na mawalan ng ilaw ang mga stoplight.
Isinisi naman ni Venezuelan President Nicolas Maduro sa Estados Unidos ang naturang power outage.