Inirekomenda ng Department of Health ang mabilis na pagbibilang ng mga balota sa 2022 elections.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sabado dapat gawin ang mabilisang ballot counting upang maiwasan ang COVID-19.
Base anya sa katangian ng virus mabilis ang pagkalat nito sa oras na ma-expose, lalo kung delta variant na napaka-transmissible.
Naniniwala rin ang DOH na kung magiging mabilis ang pagbibilang ay maiiwasan ang pagkukumpulan o pagsisiksikan ng mga tao. —sa panulat ni Drew Nacino