Mariing tinutulan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang madaliang pagpasa sa 2021 National Budget nang hindi dumadaan sa tamang prosesong nakabatay sa Konstitusyon at ang pagsuspinde sa sesyon ng plenaryo hanggang Nobyembre 16.
Ito ay matapos maaprubahan sa ikalawang pagdinig ng kamara ang mosyon ni Speaker Alan Peter Cayetano kaugnay sa P4.5 trilyong pondo para sa 2021 nitong Martes.
Dagdag pa ni Velasco ang suspensyon sa sesyon ng plenaryo ay taliwas at labag sa probisyon ng konstitusyon sa inter-parliamentary courtesy gayong binubuo ang Kongreso ng dalawang bahagi kaya’t dapat na ikunsulta muna ito sa Senado.
Akusasyon pa ng kongresista mina-maniobra umano ni Cayetano ang house rules upang manatili ito sa pwesto.
Samantala wala pang pahayag si Cayetano kaugnay sa alegasyong ito ni Velasco.—sa panulat ni Agustina Nolasco