Idinepensa ng Malakanyang ang biglaang pagbaba ng Alert level status sa National Capital Region mula sa Alert level 3.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala namang masama o mawawala sa mabilisang desisyong dahil maganda namang balita ito kumpara sa pagtataas ng Alert level status.
Mas marami anya ang mabibigyan ng pagkakataon na muling makapag-trabaho matapos maapektuhan ang mga negosyo ng napakahabang lockdown bunsod ng mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Gayunman, muling ipinaalala ng palasyo na nasa kamay ng publiko kung magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa.
Iginiit ni Roque na dapat manatiling maingat at sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols ang lahat upang maiwasan muli ang pagsirit ng COVID-19 cases. —sa ulat ni Jenny Valencia-Burgos (Patrol 29), sa panulat ni Drew Nacino