Inaasahang luluwag na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagtatapos ng passenger terminal building ng Clark International Airport.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nasa 95% nang tapos ang konstruksyon at inaasahang makukumpleto ito sa kalagitnaan ng taon.
Mula mahigit 4-milyon, inaasahang aakyat sa mahigit 12-milyon o triple ang passenger capacity ng passenger terminal ng Clark.
Bukod sa mapapaluwag nito ang NAIA, sinabi ng DOTr na maraming trabaho rin ang puwedeng malikha na inaasahang makakatulong sa ekonomiya ng Central Luzon.