Nagkagulo ang mga passport applicant sa Manila City Hall sa gitna ng pagdagsa ng malaking bilang ng mga nagnanais maka-avail ng ‘passport on wheels’ ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Karamihan sa nagtungo sa City Hall ay nagmula pa sa iba’t ibang lalawigan na inireklamo ang kawalan umano ng sistema.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Frank Cimafranca, ikinagulat nila ang naturang naging sitwasyon kaya’t gumagawa na sila ng paraan.
Tiniyak din ni Cimafranca sa mga aplikante na nagtungo sa City Hall na kanilang paglilingkuran ang bawat isa.
Tinatayang 1,000 indibidwal ang dumagsa sa Manila City Hall kabilang na ang mga walk-in applicant para sa pre-registration simula Enero 5 hanggang 10.