Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang panukalang batas na nagpapalawig sa validity ng mga pasaporte ng hanggang sa sampung taon.
Layon nitong gawing mas mabilis ang pagpo-proseso sa mga pasaporte at upang bawasan ang napakahabang pila sa mga consular offices ng DFA o Department of Foreign Affairs.
Tiniyak naman ni Senate Committee on Foreign Relations Chairman Alan Pete Cayetano na kanilang maipapasa ang nasabing batas bilang bahagi ng mga pagbabagong nais ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa tala ng DFA, nasa tatlong milyong aplikasyon ang naproseso ng DFA para sa mga bagong pasaporte gayundin ang renewal o di kaya’y replacement sa mga nawalang pasaporte mula nuong isang taon.
By: Jaymark Dagala