Umabot na sa mahigit labing walong libong (18,000) tambay sa Metro Manila ang nasita, pinagmulta at inaresto sa nagdaang dalawang linggo.
Gayunman, ayon sa datos ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office o PNP-NCRPO, nasa dalawandaan at apatnapu (240) na lamang ang nananatili ngayon sa police custody.
Halos kalahati ng mahigit sa walong libo (8,000) ay binalaan lamang o sinita, mahigit sa limang libo (5,000) naman ang pinagmulta samantalang mahigit sa tatlong libo (3,000) ang inaresto.
Kabilang sa mga ordinansa na nilabag ng mga nasita, pinagmulta at naaresto ay ang smoking ban, nag-iinuman sa kalsada, walang damit pang-itaas at iba pa.
—-