Humiling si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy sa Pasig Regional Trial Court Branch 159 na makapag-piyansa sa kasong qualified human trafficking.
Ayon kay Attorney Israelito Torreon, Abugado ni Pastor Quiboloy, mahina ang mga ebidensya na inihain laban sa Religious Leader.
Nakatakda namang isagawa bukas, Enero a-16 ang susunod na pagdinig.
Samantala, pinagbawalan namang dumalo ang religious leader sa isang live television interview kaugnay sa kaniyang paghahain ng Certificate of Candidacy para sa pagka-senador sa darating na halalan.