Handa si Kingdom of Jesus Christ Founder at Pastor Apollo Quiboloy na tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2022 national elections.
Ito ang banta ni Quiboloy kung patuloy na tatanggi sa kanyang hamon na public debate si Senador Manny Pacquiao, na una ng nagdeklara ng kandidatura.
Magugunitang sinampahan ng P100 milyon libel case ni Pacquiao si Quiboloy.
Kung wala anyang malakas na kandidatong papalit kay Pangulong Rodrigo Duterte ay mapipilitan siyang sumabak din sa halalan sa pagka-Pangulo.
Nagbabala rin ang televangelist na kanyang pupuntiryahin ang lahat ng supporter ng CPP-NPA sa oras na magpasyang kumandidato.
Kampante naman ang Pastor sa kanyang pagpasok sa pulitika kahit walang political party dahil ka-partido niya ang Diyos. —sa panulat ni Drew Nacino