Kinumpirma ni Labor Leader at Workers’ And Peasants’ Party President Attorney Sonny Matula na hindi ni-nominate ng kanilang partido bilang senate bet si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.
Ito’y matapos maghain ng kandidatura sa pagka-senador ang religious leader sa kung saan binanggit nito na tatakbo siya sa ilalim ng WPP.
Ayon kay Atty. Matula, wala siyang pinirmahang Certificate Of Nomination and Acceptance para sa nasabing pastor at hindi rin niya alam kung sino ang pumirma dito.
Giit ng abugado, hindi nila miyembro ang teleevangelist at hindi rin sila mag-eendorso ng indibidwal na nahaharap sa mga mabibigat na kaso kabilang ang trafficking, money laundering at sexual abuse.
Samantala, inihayag ng Representative at Lawyer ng pastor na si Atty. Mark Tolentino na siya ang pumirma sa CONA ng KOJC Founder dahil anya siya ang lehitimong pangulo ng WPP.