Pinapurihan ng National Union of Peoples’ Lawyers o NUPL ang desisyon ng International Criminal Court na ipagpatuloy ang imbestigasyon kaugnay ng kontrobersyal na “war on drugs” ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang liham, binigyang diin ni NUPL President Edre Olalia, ang nangyayaring extrajudicial killing sa bansa na ikinasawi ng maraming Pilipino.
Hulyo 4, 2016 nang unang punahin ng grupo ang extra-judicial killings sa drug campaign ng administrasyon, na ayon sa grupo ay target lamang ang mahihirap na Pilipino.
Nanawagan naman si Olalia sa mga miyembro ng nupl na manatiling matatag sa gitna ng maraming problema at pagsubok na maaari nilang kaharapin.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico