Tinawag na unfortunate at unnecessary ni COMELEC Chairman Andres Bautista ang pasya ng Kamara na isulong ang impeachment trial niya.
Sinabi ni Bautista na kinikilala niya ang karapatan at opinyon ng bawat Kongresista.
At bagamat maituturing na unnecessary move ang pag impeach sa kaniya dahil nag resign na siya susundin pa rin niya ang nakasaad sa konstitusyon at mga mahahalagang panuntunan kaugnay sa impeachment process.
Magugunitang 137 Congressmen ang bumotong baligtarin ang naunang desisyon ng House Justice Committee na ibasura ang impeachment complaint laban kay Bautista na pinaboran naman ng 75 Kongresista.