Tila binuksan na umano ng Korte Suprema ang pintuan ng impiyerno para sa mga Pilipino makaraang pagtibayin nito ang inaprubahang pagpapalawig ng Kongreso sa idineklarang martial law sa Mindanao.
Ito’y ayon sa human rights group na KARAPATAN, dahil sa tiyak na magkakaroon na ng pagkakataon ang AFP o Armed Forces of the Philippines na ipagpatuloy ang paglabag sa karapatang pantao.
Inihayag ni Cristina Palabay, Secretary General ng Grupo, malinaw na ang pagtahak ng Pilipinas sa ganap na diktadurya ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga ginagawang pananakot nito at tila paggamit nito sa terorismo para makamit ang kaniyang nais.
Maituturing din anila itong isang uri ng hakbang para maulit ang kasaysayan nang ibagsak ni nuo’y Pangulo na si Ferdinand Marcos ang batas militar sa buong bansa dahil sa mga gawa-gawang scenario ng administrasyon para bigyang katuwiran ang nasabing hakbang.
Posted by: Robert Eugenio