Naniniwala ang Amerika na ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang Balikatan Exercise sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Kano ay isang pasya ng bansang may soberenya.
Reaksyon ito ni Outgoing US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg sa paulit-ulit na pahayag ni Pangulong Duterte hinggil sa pagtatapos ng nasabing pagsasanay.
Gayunman, nilinaw ni Goldberg na wala pa rin silang natatanggap na pormal na request mula sa pamahalaan ng Pilipinas ngunit batid naman aniya nila ang pahayag ng Pangulo.
Sa kabila nito, sinabi ni Goldberg na mananatili ang alyansa ng dalawang bansa at mataas pa rin ang tiwala nila sa Pilipinas sa kabila ng mga maaanghang na salita na binibitawan ng punong ehekutibo ng Pilipinas.
By: Jaymark Dagala / Allan Francisco