Inaasahan na ng mga Senador ang naging desisyon ng Korte Suprema na pagtibayin ang pasya ng Kongreso na palawigin pa ng isang taon ang idineklarang batas militar sa Mindanao.
Ayon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, tama ang naging ruling ng high tribunal dahil dapat talagang ipaubaya sa sangay ng pamahalaan tulad ng ehekutibo at lehislatura ang usapin.
Para kay Senador Sonny Angara, nasa kamay naman talaga ng ehekutibo at Kongreso ang bola sa pagpapalawig ng idineklarang batas militar sa ilalim ng saligang batas.
Ayon naman kay Senador Panfilo Ping Lacson, isang usaping pulitikal ang pagdideklara ng batas militar kaya’t dapat ipaubaya ito sa ehekutibo at lehislatura.
Sa panig naman ni Senate Majority Leader Vicente Tito Sotto III, nararapat lang ang naging pasya ng Korte Suprema dahil may sapat na dahilan para rito.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Cely Ortega-Bueno
Posted by: Robert Eugenio