Hinimok ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang Economic Managers na paghandaan ang mga posibleng epekto ng 17% taripa na ipinatupad ni US President Donald Trump sa mga kalakal ng Pilipinas na darating sa Amerika.
Isa aniya sa posibleng gawin ng Economic Managers ay irekomenda ang pag-amyenda sa National Tariff and Customs Code of the Philippines, na maaaring gawin sa pamamagitan ng executive order habang naka-recess ang kongreso.
Ang mahirap lamang aniya sa ganitong aksyon ay tila nag-gagantihan ang mga bansa sa pamamagitan ng pagpapataw ng taripa sa isa’t isa, na nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng mga produkto.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)