Hindi naman direktang sinagot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tanong kung may balak bang sumabak sa Presidential elections ang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.
Ito’y makaraang pangunahan ng nakababatang Duterte ang paglulunsad ng Tapang at Malasakit Alliance na pantapat ng administrasyon sa Tindig Pilipinas ng mga taga-oposisyon.
Ayon kay Pangulong Duterte, irerespeto niya anuman ang pasya ng kanyang anak.
Sa katunayan anya ay hindi interesado ang kanyang anak na sumabak sa pulitika partikular ang pagkakahalal nito bilang alkalde.
Ipinaliwanag ng punong ehekutibo na kung talagang naka-tadhana ang isang bagay lalo ang pagiging leader, hindi ito mapipigil ng sinuman, anuman ang mangyari.