Nakatakdang pagpasyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapataw ng minimum access volume sa imported agricultural products.
Ito’y ayon sa Malakanyang ay para tulungan ang mga bansa na nakadepende sa agrikultura tulad ng Pilipinas na nakararanas ng kakulangan ng suplay ng baboy dahil sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hinihintay na lamang ang magiging pasya ng pangulo hinggil sa inihaing rekumendasyon ng department of agriculture na itaas ang minimum amount ng mga karne ng baboy na maaaring angkatin ng bansa.
Batay sa inilabas na resolusyon ng kagawaran ani Roque, mula sa 54,000 metriko toneladang pork imports ay gagawin na itong mahigit apatnaraan at dalawang libong metriko tonelada sa ilalim ng MAV.