Inirekumenda ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF–MEID) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy pa rin ang pagpapagamit ng face shield sa loob ng mga estabilisyemento.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque matapos umanong ipag-utos ng Pangulo na sa loob na lamang ng mga ospital dapat gamitin ang face shield.
Nakasaad sa rekumendasyon ng IATF, kailangan pa ring magsuot ng face shield ang publiko kung sila’y papasok sa mga enclosed spaces tulad ng mga mall, opisina, tindahan at pampublikong sasakyan.
Gayunman, sinabi ni Roque na sa kabila ng rekumendasyon ng IATF, na kay Pangulong Duterte pa rin ang huling pagpapasya hinggil sa usapin.