Nabawasan na ang bilang ng mga COVID-19 patient sa mga ospital kasabay ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng naturang sakit.
Sa St. Luke’s Medical Center ay hindi na lalampas sa 20 ang COVID-19 patients at nasa lima hanggang walo na lang din ang pasyente sa kanilang Intensive Care Unit na malayo sa dating 24.
Nasa 18% ng 520 COVID-19 beds na lang din ang okupado sa Jose N. Rodriguez Memorial o Tala hospital sa Caloocan City.
Samantala, wala nang pasyente sa COVID-19 emergency room at ER extension ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.
Nasa 41% o 50 sa 122 kama ang COVID-19 occupancy rate sa NKTI, ngunit tumaas naman sa 85% o 60 sa 71 kama ang okupado ng non-COVID patients.
Base sa datos ng Department Of Health noong Martes, nasa 46% ang ICU bed utilization rate sa banbsa habang nasa 30% naman ang COVID-19 wards.