Maraming remedyo ang puwedeng gawin ng mga pasyenteng na-deny ang kanilang claims sa Philhealth.
Ito ang tugon ng Philhealth matapos tanungin ni Sen. Nancy Binay kung sino ang papasan ng P8.3-B na halaga ng denied hospital claims simula noong Enero 2020.
Ayon kay Philhealth vice president for corporate affairs Shirley Domingo, unang-unang maaaring gawin ay maghain ng motion for reconsideration sa regional offices ng ahensya.
Ani Domingo, tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng kanilang sangay sa mga ospital lalo na ang mga tauhang nakatalaga pagdating sa claims na higit na nakakaalam ng proseso.