Dapat sundin ng gobyerno ng Cebu ang mga patakaran na ipinatupad ng kasalukuyang administrasyon.
Ito ang sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion kahit na pabor ito sa hindi mandatoryong pagsusuot ng face mask.
Aniya, dapat na respetuhin at sundin ang mga patakaran na ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte, kahit pa malapit na itong bumaba sa kanyang puwesto bilang isang Pangulo ng bansa.
Samantala, naniniwala si Concepcion na bukas sa ideyang opsyonal na pagsusuot ng face mask ang papasok na administrasyon.