Matagal ng kuwestyonable ang pagiging praktikal ng patakaran ng gobyerno sa pagsusuot ng face shield dahil wala namang scientific basis upang gawin itong mandatory.
Ito ang inihayag ni Senator Nancy Binay makaraang igiit na dapat noon pa binawi ang naturang patakaran.
Ayon kay Binay, maraming nagtataka kung bakit natatagalan ang Inter-Agency Task Force sa pag-lift o pagbawi sa naturang direktiba hinggil sa pagsusuot ng faceshields.
Nilinaw ng senador na naiintindihan niya ang mandatory use ng faceshields sa critical areas tulad sa mga ospital.
Kasabay anya ng posibleng pag-lift sa mandatory use ng face shield ay umaasa siyanga-amyendahan na rin ang mga ordinansa na nagpapataw ng penalties sa mga hindi sumusunod dito. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19), sa panulat ni Drew Nacino