Hindi patama kay Senador Grace Poe ang pahayag ni Vice President Jejomar Binay na dapat ay may experience at competence ang magiging lider ng bansa.
Nilinaw ito ni Binay dahil ang pinatutungkulan niya sa kaniyang mismong pahayag ay ang kaniyang sarili.
Binigyang diin ni Binay na naniniwala siya na sapat na ang kaniyang karanasan at kakayahan para maging Pangulo ng bansa dahil matagal rin siya sa posisyon bilang local chief executive ng Makati City.
Pahabol pa ni Binay, kung may mga nagre-react sa kaniyang pahayag posibleng tinatamaan ang mga ito.
By Judith Larino