Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-protekta sa karapatan ng mga pilipino sa pamamagitan ng patas at totoong eleksyon.
Ayon kay Pangulong Duterte, mananatili siyang neutral sa pagtrato sa kaniyang kaibigan at kaaway kasabay ng pagback-out sa pagsuporta sa sinumang tatakbo sa pambansang posisyon.
Tiniyak naman ng pangulo ang mapayapang eleksyon sa pamamagitan ng pag-atas sa lahat ng Law Enforcement Agencies na magpatupad ng malinis at matapat na eleksyon.
Una nang sinabi ng pangulo na mahigpit siyang magbabantay para maging maayos ang botohan para sa nalalapit na Eleksyon 2022. -sa panulat ni Abigail Malanday