Tiniyak ni Supreme Court Justice Diosdado Peralta ang patas na desisyon ng Korte Suprema bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) sa poll protest ni dating senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Peralta, lahat naman ng desisyon ng Korte Suprema ay ibinabase nila sa mga ebidensya at sa umiiral na mga batas.
Kaugnay nito ay muling idinepensa ni Peralta ang pagpayag ng Korte Suprema na ihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos.
Binigyang diin ni Peralta na nagbase lamang sila sa mga inilatag na ebidensya at mga umiiral na batas at hindi sa opinyon lamang ng publiko. — ulat ni Bert Mozo (Patrol 3)