Tiniyak ng House Committee on Legislative Franchises ang pantay na pagdinig sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.
Sa Marso ng taong ito, nakatakdang magtapos ang 25 taong prangkisa ng ABS-CBN.
Ayon kay Palawan 1ST District Congressman Franz Alvarez, pinayuhan sila ni House Speaker Alan Peter Cayetano na tiyaking magiging patas sila sa pagreview sa application ng ABS-CBN na irenew ang kanilang prangkisa.
Sa harap naman ito ng pagbatikos at pagbabanta ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara nya ang ABS-CBN.
Sinabi ni Alvarez na obligasyon ng Kongreso ang tumanggap ng mga reklamo o pakinggan ang mga reklamo laban sa sinumang nag-aaplay ng prangkisa.
Kasabay nito, ipinaalala ni Alvarez na ang pagkakaloob ng prangkisa ay hindi karapatan kun’di isang pribilehiyo kaya’t hindi ito dapat gawing isyu ng press freedom. —ulat ni Jill Resontoc (Patrol 7)