Isa sa mga hamon ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) na mapatunayan sa publiko na patas ang kanilang ahensya pagdating sa pagpapatupad ng kampaniya sa mga kandidato sa 2022 elections.
Ayon kay dating COMELEC Commissioner Lawyer Luie Guia, dapat ipakita ng COMELEC na patas at hindi Partisanship ang “Oplan Baklas.”
Matatandaang noong nakaraang linggo, pinangunahan ng comelec ang pagtanggal ng mga Election campaign posters na oversized at naka-post sa mga restricted areas.
Nabatid na isa sa mga ibinaba na tarpaulin, base sa livestream na ipinalabas sa Facebook page ng COMELEC, ay ang kandidato sa pagkapangulo at bise presidente na si Leni Robredo at ang running mate nitong si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.
Dahil dito, binatikos ng ilang organisasyon at personalidad sa pulitika ang operasyon ng Oplan baklas na nag-alis ng malalaking campaign posters sa loob ng private property ng mga indibidwal na hindi kandidato o bahagi ng isang political party.
Nabatid na lumabag ang Poll body sa mga karapatan sa konstitusyon, kabilang ang malayang pananalita at karapatan sa pag-aari, gayundin ang pagsuway sa desisyon ng Korte Suprema.
Dahil dito naglabas ang COMELEC ng pinal na sukat o laki ng mga campaign poster kung saan, nasa 2 feet by 3 feet lamang ang magiging haba o sukat nito.
Sa ngayon, sinusuri narin ng Poll body ang guidelines sa campaign posters. —sa panulat ni Angelica Doctolero