Patay ang isang driver ng Department of Environment and Natural Resources o DENR sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM at dalawa ang sugatan matapos tambangan ang mga ito kahapon.
Kinilala ang biktima na si Abdulgani Guiama, 38-anyos ng barangay Tamontaka 1 Cotabato City, sugatan naman si Manuel Capin na DENR-ARMM Supply Officer at Pablo Amador, isang minero.
Ayon kay Senior Supt Rolly Octavio, Cotabato City Police Director, lulan ang mga biktima ng van habang binabaybay ang Ramon Rabago Sr. Avenue bandang alas-3:00 ng hapon ng tambangan ng riding in tandem at paulanan sila ng bala.
Agad naman isinugod ang mga biktima sa Cotabato Regional and Medical Center ngunit idineklara ng dead on arrival si Guiama.
Kasalukuyang iniimbestigahan pa rin ang motibo ng pamamaril.
—-