Umakyat na sa 6 ang patay sa pagtama ng Middle East Respiratory Syndrome o MERS virus sa South Korea.
Pinakahuling napasama sa listahan ng mga nasawi ay ang humigit kumulang 80-anyos na lalaki mula sa Daejeon.
Samantala, patuloy pa rin sa paglobo bilang ng mga tinatamaan ng MERS virus na aabot na ngayon sa 87.
Maliban dito, nasa mahigit 2,300 katao naman ang kasalukuyang naka-quarantine dahil sa naturang sakit.
Una rito, mahigit 800 ding paaralan sa SoKor ang pinasara muna upang di na kumalat pa ang nakamamatay na MERS virus.
By Ralph Obina