Patay na ng natagpuan ng mga residente ang isang dambuhalang sperm whale sa baybayin ng Sitio Sakalig Barangay Sugal, Jose Abad Santos, Davao Occidental.
Batay sa inilabas na pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Davao, dalawang mangingisda ang nagpaabot ng ulat sa Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) nang nadiskubre ang bangkay ng balyena.
May haba itong 60 talampakan at lapad na siyam na talampakan.
Nakitaan din ito ng mga sugat at pinaniniwalaang patay na nang mapadpad sa pampang.
Inutos na rin ng DENR-Davao sa (PENRO) para sa maayos na disposal ng bangkay para maiwasan ang posibleng panganib nito sa komunidad.