PALAISIPAN ngayon sa mga awtoridad kung sino ang walang pusong ina na nag-iwan ng isang patay na sanggol sa loob ng St. Anne Parish Church sa Molo, Iloilo City.
Ayon sa guwardiya ng simbahan, nakita niya ang isang paper bag malapit sa pintuan at nang kanyang tingnan ay laking gulat niya nang makita ang sanggol sa loob nito na tinatayang pito hanggang walong buwan lamang.
Agad namang humingi ng tulong sa pulisya ang sekyu bago isinugod sa ospital ang sanggol pero idineklara itong dead on arrival ng doktor.