Natagpuang wala nang buhay sa isang ilog ang isang sanggol sa bayan ng Jasaan, sa Misamis Oriental.
Ayon sa nakakita, palutang lutang sa tubig ang sanggol kaya agad silang humingi ng tulong sa mga rescuer at mga pulis.
Wala umanong saplot ang biktimang sanggol kung saan, nakapulupot pa ang umbilical cord nito.
Iniimbestigahan na ng Jasaan Municipal Police kung may kapabayaan o sinadya ang nangyari sa sanggol.
Patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung sino ang mga magulang o kamag-anak ng sanggol. —sa panulat ni Angelica Doctolero