Sumampa na sa sampu (10) ang patay sa matinding pagbaha dulot ng malakas na pag-ulang dala ng tropical depression Crising sa Visayas.
Kinilala ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang ilan sa mga nasawi na sina Nicholas Punggutan, 60-taon; Acena Laping, 55-taon ng bayan ng Carmen at Benyang Manulat ng Danao City, cebu.
Mahigit pitumpung (70) kabahayan na ang nalubog sa baha o inanod dahil sa malakas na ulan.
Labinsyam (19) na barangay sa Cebu City naman ang lubog sa tubig partikular ang Talamban kung saan nasa apatnapung (40) pamilya ang nagsilikas.
By Drew Nacino
Patay sa bagyong Crising sa Visayas sumampa na sa 10 was last modified: April 18th, 2017 by DWIZ 882