Sumampa na sa halos 2,200 ang patay sa cholera outbreak sa Yemen sa loob lamang ng isang taon.
Tinaya naman sa animnaraan labindalawang libo (612,000) ang kumpirmadong kaso ng cholera habang nasa pitundaan pitumpu’t pitong libo (777,000) ang hinihinalang tinamaan ng naturang sakit.
Ayon sa World Health Organization, ang nagpapatuloy na civil war ang dahilan ng pagkalat ng cholera lalo’t nawasak sa mga pambobomba at bakbakan ang mga pangunahing water facility ng bansa.
Inaasahan sa mga susunod na araw ay babasagin na ng Yemen ang record ng may pinakamalalang cholera outbreak sa mundo at pinakamabilis na pagkalat ng sakit.
Anim na buwan lamang ang inabot bago tuluyang humantong sa alarming level ang pagkalat ng cholera sa Yemen kumpara sa Haiti na inabot ng pitong taon bago sumampa sa halos 10,000 ang nasawi sa cholera.
—-