Sumampa na sa halos 2,000 ang patay dahil sa nararansang heat wave sa India.
Sa loob lamang ng 24 na oras, mahigit 300 ang naitalang nasawi.
Ayon sa ulat, karamihan sa mga nasawi ay bunsod ng dehydration at heat stroke.
Maliban sa heat wave, nararanasan na rin sa ilang bahagi ng India ang bahagyang water shortage.
Ang heat wave sa India ay inaasahang tatagal pa ng ilang araw kung saan inaaasahang papalo hanggang 48 degrees celsius ang temperatura.
By Ralph Obina