Umakyat na sa 2,207 ang namatay sa magnitude 7.2 na lindol sa Haiti nitong Agosto 14.
Patuloy naman na nawawala ang halos 300 katao ayon sa Civil Protection Agency.
Ayon sa ahensya, matapos ang isang linggo, nag-iwan na ang pagyanig ng aabot sa 12,268 na sugatan at abot naman sa higit 77,000 ang nawasak na tahanan. —sa panulat ni Rex Espiritu