Umabot na sa mahigit 200 ang patay sa pag-atake sa isang mosque o Masjid sa Egypt.
Ayon sa Egyptian security officials, inatake ng mga militante ang Al-Rawdah Mosque sa bayan ng Bir Al-Abd.
Sakay ng apat na sasakyan ang mga kalalakihang nagpa-ulan umano ng bala sa mga nagdarasal sa Masjid.
Maliban dito, nagpasabog din ang mga hindi pa nakikilalang salarin.
Agad namang nagpatawag ng emergency security meeting si Egyptian President Abdel Fattag El Sisi matapos ang insidente.
—-