Umakyat na sa 6 ang patay sa pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng patuloy na pag-ulan sa mga lalawigan ng Davao Occidental, Cateel, Compostela Valley at Caraga sa Davao Oriental.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Sidelia Mariano, 59 anyos, Demer Salio, 12, Ruyjen Banoon, 11, Jekelyn Calanganon, 8, Franklin Gomoboa, 42 anyos at si Rodrigo Digal Jr., 22 anyos na namatay matapos matangay ng rumaragasang tubig sa ilog.
Ayon kay OCD-XI Regional Director Brigadier General Leoncio Cirunay sa panayam ng 98.7 Home Radio News FM Davao, patuloy pa rin hanggang sa ngayon ang kanilang search and rescue operation sa mga lugar na naapektuhan ng pagbaha particular na sa mga probinsya, ng Davao del Norte, Davao Occidental, Davao Oriental at ComVal.
Dagdag ni Cirunay na naka-standy na ang mga personahe ng OCD XI at PDRRMC upang rumisponde.
Sa ngayon ay nanunuluyan pa rin sa evacuation centers ang mahigit 14,000 pamilya na apektado ng baha.
By Jandi Esteban | Home Radio News FM Davao