Halos nasa 116 ang minasaker sa siyudad ng Syria ng mga nakatakas na miyembro ng Islamic State o ISIS.
Hinihinalang nagsagawa ng “revenge campaign” ang ISIS makaraang mabuwag ang kanilang “caliphate” nitong nakaraang linggo sa naturang bansa.
Ayon sa Britain-based monitoring group na Syrian Observatory for Human Rights, posible aniyang inakusahan ng ISIS ang mga residente ng naturang lugar na nakikipag-sabwatan sa gobyerno.
Nagtamo ng tama ng bala ang karamihan sa mga biktima habang ang iba ay may mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang madiskubre ang mga ito sa lansangan ang ng mga awtoridad.
—-