Umabot na sa sampu (10) katao ang patay sa pananalasa ng typhoon Hato sa Hong Kong, Macau at timog China.
Sa ulat, itinaas ang typhoon signal number 10 warning dahil sa tindi ng hangin at ulan na dulot ng bagyo.
Ito ang ikatlo pa lamang na pagkakataon na itinaas ang naturang warning signal sa nakalipas na 20 taon sa Hong Kong.
Nawalan ng kuryente ang maraming lugar, ilang gusali ang nasira habang ang mga residente ay inilikas na sa ligtas na lugar.
Sa ngayon ay iniwan na ng bagyo ang Hong Kong at Macau at kasalukuyang nanalasa sa probinsya ng Zhuhai sa mainland China.
By Rianne Briones