Mahigit 24 na mga bansa ang pormal nang nanawagan sa United Nations na imbestigahan ang libu-libong nasawi dahil sa kampanya kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte.
Batay sa inihaing draft resolution ng Iceland na sinuportahan ng halos lahat ng bansa sa Europe, kanilang hinimok ang gobyerno ng Pilipinas na pigilan ang mga nangyayaring extrajudicial killings sa bansa.
Ito rin ang kauna-unahang resoluyon na humihiling sa Human Rights Council na tutukan ang nabanggit na usapin.
Nakatakda namang pagbotohan ang resolusyon bago ang pagtatapos ng Geneva Forum sa July 12 kung saan isa ang Pilipinas sa kasalukuyang 47 miyembro nito.
Batay sa nakuhang impormasyon ng mga human rights activists, aabot na sa halos 27 ang nasawi simula nang umarangkada ang war on drugs kasabay ng pag upo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.
Pinakabagong biktima anila dito ang isang 3 taong gulang na batang kinilalang si Myka habang sa datos ng pamahalaan ng Pilipinas, nasa mahigit 5,000 drug suspects na ang napapatay sa mga anti-drug operation ng pulisya.