Sasagutin ni Senator Risa Hontiveros, pangunahing author ng Anti-Hospital Deposit Act, ang mga isyu ng Private Hospital Association of the Philippines (P-HAP) laban sa naturang batas.
Ito ay matapos magpahayag ang mga pribadong ospital na kanilang kukuwestiyunin sa Korte Suprema ang legalidad ng amended Anti-Hospital Deposit Act.
Ayon kay Hontiveros kanyang bibigyang linaw at ipakikita sa hopsital owners na walang basehan ang isyu na kanilang ipinupukol laban sa naturang batas.
Iginiit pa ni Hontiveros, ang amended Anti-Hospital Deposit Bill ay magiging daan para matigil na ang pang-aabuso ng mga hospital na nanghihingi ng deposito bago tanggapin o gamutin ang isang emergency patient.
Dahil rin aniya dito ay wala nang mahirap na itataboy ng mga abusadong ospital at mga magmamaka-awa na mabigyan ng medical treatment.
Samantala, ipinagtataka si Senator Risa Hontiveros ang tila pagbabago ng isip ng P-HAP o Private Hospital Association of the Philippines sa pagsasabatas ng strengthened Anti-Hospital Deposit Law.
Ayon kay Hontiveros, bago pa lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaigting sa naturang batas, ay suportado at tanggap ito ng P-HAP pero ngayon ay plano na nila itong kwestiyunin sa Korte Suprema.
Gayunman, tiwala si Hontiveros na kakatigan ng Korte Suprema ang nasabing batas dahil suportado rin ito ng iba’t ibang sektor ng lipunan maging ng pamahalaan.
Yung sinasabi nilang, ang karamihan naman nila ay tumutupad ah… kaya bakit kailangan isabatas ‘yung batas.
Pwede ko naman sabihin sakanila na, eh kung ‘yung mga miyembro na hospitals ay tumutupad, bakit kailangan i-submit sa Korte Suprema?
Pati ba naman buhay ng pasyente eh kailangan pang pag-awayan sa Korte Suprema?
Ito pong Anti-Hospital Deposit Law may malawak na suporta sa iba’t ibang bahagi ng lipunan maging sa pamahalaan.