Umakyat na sa 78 diplomatic protest ang inihain ng Pilipinas laban sa China kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) simula nang maupo sa pwesto bilang Presidente ng bansa si Pangulong Duterte noong 2016 batay sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon kay DFA Office of Strategic Communication and Research Executive Director Ivy Banzon-Abalos, nito lamang Biyernes ay nagsampa muli ang bansa ng dalawa pang diplomatic protest kaugnay sa ilegal na paglilibot ng China sa karagatan ng bansa.
Dagdag ng departamento, ang patuloy na pananatili ng mga barko ng China sa WPS ay tanda ng kawalang pakialam sa mga diplomatic protest ng Pilipinas at pagbabalewala sa pangako ng China na maisulong ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Matatandaang inihayag ng Pangulong Duterte sa kanyang ulat sa bayan nitong Abril 19 na giyera lamang ang nakikita niyang solusyon ukol sa usapin ng agawan ng teritoryo ng China at Pilipinas sa Spratlys Island.
Until such time, you know, we can take it back,ang akin lang walang iba, giyera lang. If we promote a war against China and America medyo siguro madadalian pero what cause to us ayan ang problema. Iyan talaga ang problema. We can only retake it by force, there is no way that we can get back the tawag nilang Philippine Sea without any bloodshed, iyan talaga ang totoo, maski anong sabihin ng mga military…If we go there…it would be bloody. It could result to a violence that we could not maybe win. Ang problema nito we have always well, sided with the America in so many issues including this one.Pero kung sabihin mo that the America will go to war because of the Philippine Sea, tapos tayo ang mag-umpisa…only if we are being attack and assorted does not include a war initiated by us,” pahayag ng Pangulong Duterte.—sa panulat ni Agustina Nolasco