Kinasuhan sa Department of Justice o DOJ ang Indonesian national na dinakip sa main battle area sa Marawi City.
Apat na kaso ang kinakaharap sa DOJ ng suspect na si Muhammad Ilham Syahputra na napag-alamang residente ng Medan North Sumatra, Indonesia.
Kabilang dito ang kasong rebelyon iligal na pagdadala ng baril at bala, paglabag sa international humanitarian law at illegal possession of explosive.
Si Muhammad ay nadakip sa Barangay Luksa Datu, Marawi City, kung saan nagsasagawa ng clearing operations ang mga sundalo.
Nakumpiska kay Muhammad ang isang kalibre 45 baril na may pitong bala sa magazine, isang granada, apple tablet, mahigit P17,000.00 pera, iba’t ibang klase ng foreign currencies, pitong piraso ng bracelets, isang Indonesian passport at dalawang ID na may pangalang Khoirul Hidayat.