Itinaas na umano sa P1 bilyong piso ang patong sa ulo ng mga drug lord para kina incoming President Rodrigo Duterte at incoming Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa.
Ayon sa report, nagambag-ambag umano ng tigli-limampung milyong piso ang may 20 drug lords na nakapiit ngayon sa loob ng New Bilbid Prisons (NBP) para itumba ang dalawang opisyal.
Gayunman, sinabi ni dela Rosa na tinawanan lamang ito ni Duterte at maging siya ay kumasa sa bantang ito ng mga drug lord.
Maliban kina Duterte at dela Rosa, iniutos din aniya ng mga druglords na itumba sina Senator-elect Leila de Lima gayundin si Bureau of Corrections Director Rainer Cruz.
By Jaymark Dagala